Sunday, May 22, 2011

s-u-n-d-a-y

12 am na. kagigising ko lang dahil nakatulog nanaman ako sa pag cocomputer. Lagi nalang talaga akong hinahatak ng kama ko para matulog. Hahaha. Plurk muna. Mamimiss ko to eh. Wala kasi akong net sa manila pulubi ako para mag pa load, keya gang 15 mins lang ang kaya ko, 5 php lang un eh. Di pa rin ready ang mga gamit ko. Ayaw ko pa talaga kasing umalis ng bahay. Haaist. Eto nanaman ang madramang anette. Samantalng nung first day ko talaga ng college kala ko hindi ko na mamimiss ang bahay ko kasi sawang sawa na ako. Yung pala lagi ko ngayung sinasabi “There’s no place like home.” Huhuhu., *teary-eyed*. Hindi ko naman pwedeng alisin ang realidad na kailangan ko na talgang mag ayos. So inumpisahan ko sa mga libro ko. Naman! Pharmacology palang tatlong libro na ang meron ako. Hahaha. Pero hindi parin ako hunch back. HahahaJ lagay sa back pack kong itim *as always* then mga index card na hindi ko naman nagamit this summer pero mag start na talga akong mag aral once na nasa manila na ako. Then pencil case kong ubod ng samut’ saring kulang ng ballpen hindi na nga kasya ung mga high lighter ko eh dun nalang sila lagi sa bulsa ng bag. Ung aking envelope na nag lalaman ng mga kung anu anung baka biglang kailanganin sa school like paper! *Yes!!! Tama! Ayaw kong nanghihingi ako ng papel keya lagi akong may dala. Oha!. From 1 whole, ½ cw, ½ lw, 1/4., yellow pad, blue pad, green pad, orange pad, pink pad hahaha arte kasi ng mga prof ko eh. Color coding pag na ququiz.* TRC ko last sem na hindi ko pa pla natatanggal, mga memo pad, ID picture na napakapangit *wala akong bangs nun, kasi naman bigla ko siyang ginupit nung nainis ako dahil naharang siya habang nag aral ako* mga pictures na memorable sa akin *Pag nag eemote kinukuha ko yan, hahaha* Ung QC book ko na alam kong gagamitin ko this coming sem keya kailangan ko muna siyang unahin dalhin sa manila, then ung mga reviewers ko bka next time ko nalang sila dadalhin may reviewer naman ako sa manila eh. Haaaist ayun pagod na ako nun, pagod na akong pagkasyahin ang mga gamit ko sa back pack ko, pagod na akong mag sisiksik ng mga iba pang buting ting ko like planner, ung maliit na planner, tas calculator, tas ung lalagyanan ko ng mga usb. Upo muna.*eemote nanaman ako!* Ayaw ko talagang umalis ng bahay, natulog na nga ako mag hapon nun eh kasi alam ko mamimiss ko ung kama ko *folding bed lang kasi gamit ko sa manila pero hindi ko siya finofold.* haaaaist. “Tayo na anette aayusin mo pa ung cabinet mo, tandaan mo unuwi mo halos lahat ng gamit mo dito sa laguna at pag di mo inayos yan la ka gagamitin sa manila.” Ok tatayo na po! Hahaha! Hagis lahat palabas ng damit sa cabinet, hahaha una muna mga undergarments then ung mga favourite t-shirts ko mga pang-alis and then shorts, foot sock, handkerchief *another fact about me: Hindi ako umaalis ng bahay na walang panyo. Hahaha. Pag wala na ung panyo ko ng hapon obviously nawala ko yun. Hahaha*  then ung bago kong lab gown! oha oha! Hindi na punong puno ng stain ng chemicals ang lab gown ko this sem! Puting puti na siya! YES!!!. Eto nanaman tayo sa aking dilemma. HINDI MAGKASYA SA BAG KO!!! Bagong bag na ito pero hindi siya kasya ala pa pala ung mga pants ko dito apat din un ah, haaaist hindi ko pa pala nailalagay ung stock ng head caps ko at mask. Hindi na talga siya kasya pero nilagay ko parin bahala na mamaya. Next naman ay ang mga kikay kit ko. Actually ayaw ko siyang tawagin kikay kit kasi unang una dili naman ako kikay. Hm… ESSENTIALS KIT! Hahaha!... tama kasi kailangan ko talga siya, like mga supply ko ng shampoo…. Ek ek ek ek… mga ganun bagay.*Taray no! galing pa ng laguna ang stock ko? Hahaha! Ayaw ko kasing bumili sa manila eh bawas allowance din un no.* then kasya sia sa isa nanaman bag. Waaaah! Ang dala ko kasi eh ung tipong ung pinakamalaking size talaga! Napansin ko ala na akong solution, nakow kailangan ko nanaman bumili nian. Then dun sa bag na yun kasama na ung MIMS ko na hindi nag kasya sa bag at ung iba ko pang mga note book na maliliit. Haaaaist., 4 am na… grabeh! 4 hours akong nag ayos nggamit ko!., dili ko naman mapply ung hagis lahat ng gamit kasi hindi na muna ako makakabalik ng laguna. Matagal tagal keya kailangan alam ko lahat ng daldalhin ko. Ayun pagod na ako higa muna. Eto nanaman tayo eemote nanaman ako sa aking kama. Mamimiss ko lahat ng unan ko dito. Si tweetty bird na napakalaki hindi ko siya mayakap keya sa gilid lang siya halos 1/8 ng space sa unahan eh sakop nia, si harry potter, ung unan kong square na sina pooh ang nakalagay, si nemo! Pero blue siya, ung regalong unan sa akin ni kat tska ung tatlo ko pang unan. Dami ko palang unan? Hahaha! Nag joke nga ung tatay ko dyan eh. Sabi nia kai ate pag mag lilinis daw siya, sahig nalang ung linisin kasi hindi na daw ako natutulog sa kama kasi ang mga nakahiga dun eh ung mga unan ko na! hahaha. *sa sahig na daw ako matutulog.* Ayun isip isip muna ng mga dapat kong gawin like ung mga priorities ko then kung kelan ko masasabi un sa parents ko then sana sec A padin ako tapos ung research na hindi ko pa nasisimulan ala pang statement of the problem, ni wala pangang TITLE eh! Hahaha. Medjo nakatulog pala ako nun kasi pag gising ko  maliwanag na ng onti 5:30 ata. Tingin sa binta mai liwanag na. babangon ako hindi para mag jogging kung hindi para mag emote nanaman! Walang fresh air sa manila noh! Usok keya ang malalanghap mo dun lalo na pag mag 7 am na dun sa mai NTC! Nako po!!! Sobra sa mga usok tapos makikipag patintero ka pa sa mga sasakyan! Na alala ko nanaman inabot ako dun ng 5 mins! Para lng tumawid! Grabeh hindi man lang nacontrol ung traffic dun tapos*ibang story na un*. Then punta na ako sa kusina. Eto pa isang mamimiss ko pag labas ko sa mai garden namin sinalubong ako ng mga tuta si C1, C2 at bougie di ko muna pinakawalan si Jigs*ung nanay nila*tapos punta ako sa harap sunod naman sila pero nag mamadali ako kasi naman sakit ng mga kuko nila di pa sila nag kakaskas sa simento. Upo dun sa mai trono ng tatay ko tapos tingin sa ulap. Ang peaceful nakakarelax. Puting puti siya tapos parang malamig pa ung hangin tapos wala pang ingay. Ang bango ng sampaguita. Tapos nag wawalis na si ate kala daw nia mai binili ako kasi tinatanong ng nanay ko kung nasaan ako *himala kasi na wala ako sa kama ko ng mga ganun oras dahil ang alam nila tanghali talaga ako nagigising* laro laro muna ng mga tuta. Belly rub sila lahat. Hahaha. Ganda talga ng tenga ni C1 para siyang supervisor kasi paikot ikot lagi siya si C2 nmn parang daga kasi siya ung pinakmaliit tapos si bougie ayun! Nag hahanap nanaman ng pag kaen *keya Bougie kasi si inah nag pangalan nun, pero ni aasar ko siyang  “Vina bonjjing” keya bougie! Hahaha!!!* asong kanin talaga ung asong un kahit ano inuupakan. Lumabas ung nanay ko tinanong niya ako bakit daw ang aga ko lumabas at nagising sabi ko kasi last day ko na di ko na to makikita. “Ano k aba! Para kanaman!”. Tawa lng ung sinagot ko sa kanya. Hahaha, nag jojoke naman talga kasi ako. Emote pa ng konti at ayun pumasok na din ako sa loob nagugutom na din kasi ako keya nag hahanap na ako ng pagkaen. Tagal maluto ng kanin papak muna ng tinapay. Grabeh talga tong si inah! Nag papabili pa ng bearbrand! Eh ang laki laki na nia laking gatas talaga ung batang un! Sarap ng ulam! Hamon at bacon. Ung pang Christmas na ham. Hahaha favourite ko un sayang nga eh alang tapa favourite ko din un. Hahaha *lahat na favourite ko!* hahaha. Ok nag start na silang maligo sabi ko sa nanay ko di kasya ung gamit ko sa bag ano gagawin ko, sabi nia gamitin ko daw ung malaki, ung kulay blue ung parang sako ang dating. Oh siya lipat na ako ng gamit all in all lahat ng bag ko ay 4. Una ung books then ung damit then ung essentials kit and last ung laptop ko. Hahaha. Mai sarili talaga siyang bag. Si inah  unang naghilamos then nanay ko then tatay ko eh ako? Babagal bagal. Hahaha keya huli ako. Sabi ng tatay ko “Aba! Speedy bagal! Dalidalian mo naman!” ako “Hindi po ako sasama mag simba aalis na po ako.” *ibang kwento na kung bakit “Speedy bagal” ang tawag ng tatay ko sa akin tuwing umaga.* ayos na ayos na baka malimutan ko pa ung shades ko. Nasa sala na ako at nag papahangin nalang hihintay ko ung nanay ko dahil tagal ng ceremonias nia. Hahaha napadaan siya sa kwarto ko at sinabi “Nalinis ung kwarto mo ah! Oh ung cellphone mo nasa kama pa!” doon ko lang na isip na hindi ko pa pala naisama ang cellphone ko sa bag. Hahaha! Lang kwentang telepono! Iwanan ko lahat ng nag tetext dyan eh! Nakaya ko ngang walang cellphone ng ilang linggo buwan pa keya? Anyways binitbit ko na rin siya*napilitan pa eh!* hahaha. Paalam na kami kay ate alice sakay ng tricycle.

Nakarating na kami ng pacita at nag pababa sa sakayan ng bus papuntang Lawton. Grabeh ngayon ko lang narealize ang bigat pala nung blue na sako! Sakit ng balikat ko habang inaakyat ko sa bus pero hindi ko pinapakita kasi ayaw kong pagbuhatin ang nanay ko. Sa may tatluhan kami na upo ako dun sa mai aisle. Mahihilohin kasi ako sa biyahe keya gusto ko sa binta ako o sa mai aisle kahit lagi akong binabangga nung conductor. Basta ayaw ko sa gitna! Ayun aalis na ung bus at nararamdaman kong babagsak na din ang mata ko sabi ko sa nanay ko “Nanay. Bantayan mo po ako ha.” “Bakit?” “Matutulog po sana kasi ako.” Another fact about me. Hindi ako natutulog sa biyahe ng walang nag babantay sa akin bkt? Kasi kadalasan ng mga hindi nakakaligtas na mga aksidente eh ung mga taong tulog. Keya natutulog lang ako pag may nag babantay sa akin or kapag pagod ako pinipikit ko lang mata ko pero mababaw ung tulog ko ung tipong preno lang ng driver eh imumulat ko na ung mata ko. Sleeeeeeeeeeeeeep. Bumaba kami dun sa mai city hall at ang bigat talaga nung dala ko! Book sa likuran tapos ung mga damit ko. Nanay ko na ang nagdala ng EK at ng Laptop ko. Baba sa mai mercury then lakad challenge nanaman! Oh yes! Nililibang ko nalang sarili ko sa mga nakikita kong DVD na nagtitinda. Grabeh dito talaga ang bagsakan nila. Kabilang balikat naman. Nafefeel ko na, na parang na stretch na ung aking mga muskels sa sobrang bigat nia. Onti nalang natanaw ko na ung 7/11 liliko na kami nag aalok na ung nanay ko sa siya na ang mag buhat pero ayaw ko pag mejo malapit na. ayun di ko na kinaya keya siya na ung nag bitbit pero malapit nalang. Sakit ng balikat ko feel na feel ko ung sakit! Pinagalitan ko nanaman ang sarili ko ang dami ko kasing lage dala! Kainis! Alam mo un? Simula HS ganun at ganun na ung bitbit bitbit ko kala ko ngayon college na ako konti nalang ung bitbit ko. Nako hindi pala! Mas lalo pang bumigat!. Anyways sinalubong ako ng pinsan ko si irish siya ung nagtitinda sa baba kasi walang tinda sina kuya nante at ate mai. Mukhang masarap ung ulam. Ayun washroom muna ako, dami ko kasi ininom na tubig kaninang umaga 9 am na kami nakarating sa bahay inakyat na ng nanay ko ung mga gamit ko bababa na siya para makipag kamustahan muna kai tito Vg at habang ako naman ay naglilinis ng kwarto ko. Inisip ko muna kung nasaan bag ko nilagay ung susi ko or kung nadala ko ba un? *4 hours na akong nag ayos nang lagay na iyan hindi ko parin sure kung nadala ko lahat ng gamit ko* pero anyways na kita ko siya sa back pak and yes, di susi lahat ng kwarto dito *reasons I don’t wanna share* ayun alikabok ng kama ko. Baka sumumpong ung allergy ko nito pero pahinga muna ako. Feel na feel ko parin kasi ang sakit ng balikat ko eh. After 10 mins nag miss call na ung nanay ko siguro pansin niya kasi walang gumagalaw sa itaas, ibig sabihin hindi pa ako naglilinis. Biglang pumasok lola ko sa kwarto ko*ugaling ayaw na ayaw ko* sabi nia “Oh wala bang nagulo sa gamit mo?” keya nia yan tinanong kasi last time nagulo ung room ko hindi naman sa nagulo talaga alam ko lang na may nabago kasi nakasaksak na ulit ung extension at iba na ung ayos ng unan ko, ayaw ko pa naman sa lahat eh ung papakialaman mo ung gamit ko lalo na ung kwarto ko. “I know my room is a mess but I KNOW WHERE EVERYTHING IS!” Keya kung ayaw mong magalit ako wag na wag niong subukan guluhin *or kahit na ang ginagawa nio ay ayusin* ang room ko. Then start na ng linis linis. Lagay ng bed sheet ayos onti ng mga bag. Tapos mga 10 am na kumain na muna kami mechado ung pinili ng nanay ko tapos mountain dew. Nung una ayaw pa nila ako bilhan ng softdrinks pano kasi na ngangati na ako bka daw mai diabetis na ako, pero bka matataas lang ung sugar content ko, pero naibili pa din ako. Pagkatapos kumain usap usap ulit sila sa bababa habang ako sa taas eh nag totooth brush *dami sumabit eh  aalis na sana kami ng biglang nag ring ung phone. Si tito noli pala ayun usap usap muna sila ulit. 11 na kami na kaalis at sakto lng ang dating naming sa Quiapo church ayun tagaktak ang pawis grabeh. Buong misa ata nag paypay lang ako. *ayaw ko ng isama ung mga thoughts ko bout sa topic na to* then after nun sakay kami ng jeep pa SM manila. Libot libot muna at namili ako ng mga groceries ko. Oh yes!!! Mai baon ako! Hahaha! Tapos tinignan ko nanaman ung inaasam kong cp X6 14,500 nalang daw sia 16GB. Waaaah.. wish ko maipon ko un. Tapos libot ulit *antok na ako keya bibilisan ko na din bka bored na rin ung makakabasa nito* tapos kain ng halo halo at dinuguan sa Razon’s masarap siya promise! Tapos uwi na. 2:30pn na kami natapos. Mga 2:55 na umalis ung nanay ko. At kinakabahan ako. Kasi balak ko mag church*ung isa* hahabulin ko sana ung 3 pm service nila. Pero baka makita ako ng nanay kong lumabas sabi niya kasi dito nalang daw muna ako mag pahinga. Pero natuloy parin ako nag hintay muna ako ng 10 mins after niang umalis at kinakabahan talaga ako hindi ko alam kung bakit pero nag pray nalang ako na sana walang masamang mangyari sa nanay ko. Then pag labas ko dun sa mai kanto ng tykes nakita kong mai dumaan na jeep from behind nakita ko ung damit ng nanay ko at alam kong siya un kasi nakasabit ung body bag nia. Di naman nia ako nakita. Ayun madali na akong pumunta sa mai gastambide para sumakay ng side car sabi ko “St.Thomas po.” Ang bagal ni manong aba’y nag dadamit pa siya at ang halimuyak niya talaga naman, keya ayun ayos ko muna sarili ko and pabango bango. Nandun na din at excited na ako! Tinext ko sheEpherd ko at sabi ko sawakas makakapag Victory na din ako after ilang months! Yehay! Tapos akyat na sa St. Thomas. 4th floor un at ang series title “When God Doesn’t Make Sense”. Ayun 2nd week palang pala nung series. Nag start na pero nakahabol pa din ako. Ang sarap sa feeling, super, parang na buhayan nanaman ako. And patama ung preach. “When it takes to long to wait.” Hahaha… ayan! Di kasi ako marunong maghintay pero natututunan ko na din yan. Ayun tapos pag labas ko nako po makulimlim bilis naman ang lakad ko as in. ayaw ko mag jeep nasayangan na ako sa pera, 20 php din ung side car ah. Lakad lakad ayan FEU na then Yellow Cab na… ayun hilera na ng Recto, UE na kumukulog kulog pa nian keya naman talaga kung maka haripas ako ng lakad. Hahaha.. anyways nakita ko na ung Tropical Hut at si Jobi! Lapit na ako. Ayun basketball court na, tykes na, naambon na ng konti ayun INC na! ayun bahay na! hahaha. Sarado na pla sila di na sila nag titinda. *maling direction yan* hahaha!!! Pagod. Pero nakarating na daw nanay ko sa bahay. Then ayos muna ng mga pinamili. At this time sinulat ko na ang expiry date! Sayang kasi ung last time binuksan ko lahat tapos di ko makita ung expiry sa product, nandun pla sa pakete. Then linis. Type tapos biglang may sagala daw. Eh di baba naman si ako. Hahaha. Di pa ako nakakakita nun eh. Pero bata lang gang teenagers, tapos ayun akyat na ako narinig ko naman ung balita bout sa Game 3 haaaist. Di ko na siya mapapanood. Gang makinig nalang ako ng balita dine sa kabilang kwarto. Type. Finish. Edit. Pasa load sa sa tattoo. Copy. Paste. Publish.

------------------------------------------------------------------

start na ng OJT ko tom.

8 am to 8 pm...

kailangan maaga magising...

sana magising ako....

hahaha...

oyasumi!

No comments:

Post a Comment